MATABIL
ni John Fontanilla
MATAGUMPAY ang ultimate fan meet and concert ng tinaguriang Asia’ Multi Media Star na si Alden Richards, ang ARXV: Moving ForwARd The Ultimate Fanmeet Experience with Alden Richards na ginanap sa Sta. Rosa, Laguna, Multi-Purpose Complex noong December 13, 2025.
Kaya naman nagpalasamat si Alden sa lahat ng sumama sa pagsisimula ng kanyang journey sa showbiz until now.
Post nito sa kanyang Facebook, “Sa lahat ng sumabay, sumuporta, at naniwala sa aking paglalakbay sa nakalipas na 15 taon, maraming salamat sa inyong lahat.
“Hindi rito nagtatapos ang kuwento; nagsisimula pa lang tayo.
“Kayo ang dahilan kung bakit patuloy akong nangangarap at nagpapatuloy.
“Here’s to the next chapter…
and to moving forward,” ani Alden.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com