I-FLEX
ni Jun Nardo
BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release na sa kampo nila galing.
Eh bakit nakipagkasundo ang ABS sa ALLTV kung bayad na ang utang nila sa TV5? ‘Di hamak namang mas maraming nanonood sa TV5 at established na kompara sa ALLTV, huh!
Eh ‘yung lumanng show ng ABS na umeere sa TV5, parang wala namang nanonood, huh! Bakit nga naman mag-aaksaya ka ng oras sa lumang shows gayung may mga bago naman?
Heto naman ang hamon ng lahat sa TV5. Maglabas ng statement na talagang nagbayad sa umano’y P1-B utang ng ABS at kung bayad na, bakit terminated ang kasunduan ng dalawang networks?
So, mas marami kayang manonood sa Batang Quiapo sa AllTV kaysa noong nasa TV5 ito?
Sa January 2, 2026 ay puwede nang ipalabas ng TV5 ang bagong shows nila sa timeslot na inokupa dati ng shows ng ABS, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com