I-FLEX
ni Jun Nardo
INABOT man ng malakas na ulan ang shooting ng MTV ng Christmas song ni Jojo Mendrez na Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin, naitawid naman ito ng maayos at kabilib-bilib ang pagkakagawa nito na nag-premiere last Monday.
Nalaman namin sa isang mamahaling resort na ubod nang ganda ang shoot ng MTV na inabot ng ilang araw.
Walang kasama si Jojo sa music video. Pero sa director’s cut, may nasilip na mukha sa painting na kamukha ng isang taong na-involved kay Jojo.
Hindi naman daw ‘yun ang taong naging close kay Jojo ayon sa Revival King nang maging guest namin sa Marites University, huh! But you have to see it to believe it dahil kamukha talaga siya ng isang aktor na hindi na aktibo ngayon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com