Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eric Quizon Dolphy Ang Tatay Kong Nanay

Eric gustong i-remake, pagbidahan Ang Tatay Kong Nanay

RATED R
ni Rommel Gonzales

THERE can only be one Dolphy.

Mismong ang anak ng yumaong King of Comedy, si Eric Quizon, ay naniniwala na nag-iisa lanh ang kanyang amang si Mang Dolphy.

Mahusay kasi si Eric sa pelikulang Jackstone 5, maging sa iba pang proyekto niya, kaya may nagsasabing si Eric ang next Dolphy.

Parang hindi. Parang marami pa akong kakainin.

There’s only one Dolphy. Maybe there’s an Eric.”

Pero aminado si Eric na nais niyang pagbidahan at i-remake ang ilan sa mga classic movie ng daddy niya tulad ng1978 film na Ang Tatay Kong Nanay ng direktor na si Lino Brocka.

Tungkol naman sa Jackstone 5, masaya si Eric na naging totoong kaibigan niya ang mga co-star sa pelikula na sina Joel Lamangan (na direktor din ng pelikula), Arnell Ignacio, Jim Pebanco, at Gardo Versoza.

Ako sinasabi ko nga sa sarili ko, eh. Ngayong tumatanda na ako, ngayon ko nare-realize ‘yung value ng friendship. ‘Yung value ng mga kaibigan.

“Kasi itong mga tao na ito, sila ‘yung puwede mong puntahan, sandalan, takbuhan, in times of need or dark times or even ‘yung mga masasayang panahon.

“And of course, sa family. At the end of the day, family mo ‘yan.

“So, ang babalik-balikan mo ay ang pamilya.”

Ang pelikula ay para sa lahat, hindi lamang para sa mga bading.

Yes,” bulalas ni Eric. “Of course ang characters, they’re all gay, but ang pinag-uusapan talaga, ang inaano talaga ng pelikula is friendship.

“So, lahat tayo, mayroon tayong mga kaibigan.

“Bawat isa sa amin, may pamilya kami. So, it talks about family as well.

“Mas maano pa roon ‘yung relasyon ng bawat isa.

“And then, OFWs pa. Ilang milyon ba ang mga Filipino na nakatira abroad?

“So, I guess maraming makare-relate roon sa movie na ito. The movie is actually for the whole family. Not just for the LGBTQ community.”

Palabas sa mga sinehan simula ngayong December 3, ang pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …