PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
PINABULAANAN ng mga malalapit sa pamilya ni Arjo Atayde ang tsismis na umano’y hiwalay na ang kapatid niyang si Ria sa asawa nitong si Zanjoe Marudo.
“Naku po, fake news iyan. Walang katotohanan at all,” sey ng aming source sa naglalabasang tsismis.
Ang naturang tsika ay kumalat nga nang dahil sa MMFF entry ni Zanjoe na kasama si Angelica Panganiban na Unmarry.
“Baka naman ikinokonek lang nila roon. Nangangahulugang ‘hiwalay’ at idinikit kay Z,” hirit pa ng aming kausap.
Ayon pa rito, masayang-masaya ang pagsasama nina Ria at Zanjoe lalo’t maraming nagagawang kabibuhan ang anak nila.
Although dito lamang sa bansa magdiriwang ng Pasko ang pamilya, may mga iba pa silang pinaghahandaan.
At dahil magiging busy si Zanjoe sa promo ng MMFF movie nilang Unmarry. asahan nating kaklaruhin ng gwapo at magaling na aktor ang tsismis na hiwalay na ito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com