MATABIL
ni John Fontanilla
SUPER blessed si Dianne Medina dahil bukod sa pagkakaroon ng happy family ay sunod-sunod ang award na natatanggap nito bilang live seller.
Tumanggap ito ng award bilang Stellar Live Streamer of the Year 2023, Brand Choice of the Year Award 2025, at Top Content Creator of the Year Award 2025 ng Shoppee.
Bukod pa ang Rising Content Creator of the Year Award 2023, Buy Local Shop Local All Star Award 2024, Lifestyle Shopstar Spotlight2025 naman sa Tiktok.
Sa Shoppee si Dianne ang top two live seller na malakas bumenta.
Pero bukod sa pagiging successful live seller ay may iba pang negosyong pinagkakaabalahan ang mag-asawang Dianne at Rodjun Cruz. Mayroon silang mga bahay na pinauupahan.
“In time sana kung mabigyan ni Lord ng extra, try ko mag-build and sell slowly lang. Kasi eto po ang business ng magulang ko,” ani Dianne.
Sa ngayon ay wala pang balak magkaroon ng sariling produkto si Dianne na kanyang ila-live selling, dahil mas nakatututok siya sa pagbebenta ng iba’t ibang produkto.
Inspirasyon ni Dianne ang number 1 live seller ng Shoppee na si James Afante na napakahusay mag-live selling at grabe bumenta.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com