Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Raymond Adrian Salceda

Hiling ni Salceda; P3.71B ayuda para sa rehab ng sinira ni Uwan sa Distrito niya

LEGAZPI CITY – Inihayag dito kamakailan ni Albay 3rd district Rep. Raymond Adrian E. Salceda ang P3.71 milyong ayudang hiling niya a pambansang pamunuan para sa rehabilitasyon ng mga kasiraang iniwan ni Super-Typhoon Uwan sa kanyang distrito, kasama na ang ilang luma at mahina nang mga istraktura laban sa baha,  agrikultura, at kabuhayan ng mga mamamayan.

Ayon sa bagitong mambabatas na pamangkin ni dating Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, naging mabisa ang mga hakbang na tugon sa hamon ng mga banta ni Uwan, kaya walang nabuwis na buhay sa Albay, ngunit sadyang hindi naiwasan ang pananalasa ng bagyo sa kabuhayan, lalo na ng mga magsasaka, at mga luma at mahina nang mga istraktura laban sa baha.

Pinuna ni Salceda na tila may “sinusundan ding ‘pattern of compounding impact’ o padron ang pananalasa ng bagyo dahil yung mga istrakturang pinahina na ni bagyong Kristine noong 2024 ay tuluyan nang giniba ni Uwan.” 

“Naisumite na namin sa DPWH at OCD ang ‘engineering estimates’ para sana sa pagkumpuni sa mga pinahina ni Kristine ngunit dahil diumano sa kakulangan sa pundo, tuluyan na silang winasak na ni Uwan. Nagmamakaawa kami ng ayuda para magawa uli ang nasirang mga istraktura. Tanging paraan ito para maiwasan ang mga kasiraang dinanas namin nitong huli,” paliwanag niya.

Kasama sa matinding nasirang mga istraktura laban sa baha ang ‘Centro Oriental and Gabon Dikes’ sa Polangui, mga istraktura sa Bobonsuran, Malama at Paclas sa Ligao City, at ang ‘Carisac dikes’ sa bayan ng Libon. 

Ibinahagi rin niya na ang ‘San Francisco dike’ sa Guinobatan na binugbog noon ni Typhoon Kristine, ay tuluyan nang bumigay, habang nakitaan naman ng mga tanda ng kahinaan ang mga istraktura sa Ubaliw–Talongog at Ilaor Norte–Busac sa Oas.  Nag-‘sangbag’ din at gumawa ng ilang mga harang ang ilang mga LGU para pahinain ang agos ng tubig sa ‘Quinale A River’ ngunit walang nagawa kay Uwan.  

“Nakatulong ang mga ‘sandbags’ para mabigyan ng panahong makalikas ang mga tao, kaya isa lang ang nagbuwis ng buhay, kahit sumailalim kami sa ‘Typhoon Signal No. 4. Maraming salamat sa mga maagang babala at paala-ala,” dagdag niya.

Ayon kay Salceda, “bago pa dumating si Uwan sa Albay, 75,000 pamilya na ang napalikas nila sa mga ‘evacuation centers’ at mga kamag-anak nila sa ligtas na mga  lugar. Nakipagtulungan kami sa mga LGU at mga ‘barangay networks’ namin para  matiyak na walang maiwanan.” 

Binigyang pagpapahalaga ay pinuri ni Salceda ang “mabisang naganap na ‘disaster response’ nila sa mahusay na ugnayan ng ‘DPWH, Bureau of Fire Protection, LGUs, and community volunteers’ na naging daan din para matiyak na lahat ng mga pangunahing karsada ay nalinis at nadadaanan na 48 oras matapos manalasa si Uwan.”  

Pinuna rin ni Salceda na maagang inani ng mga magsasaka ang kanilang palay na tinawag niyang “kailangang desisyon” bago ang baha at mapakinabangan ang pinaghirapan nila, bagama’t tiyak na sa murang presyo nila maipagbibili ito.

“Dahil dito, hiniling din namin sa ‘Department of Agriculture’ at ‘National Food Authority’ na tulungan din ang mga magsasaka at bilhin sa akmang presyo ang ani nila para hindi naman sila gaanong malugi,” dagdag niya.

Ayon kay Salceda, “sa kabuuang P3.71 bilyong kasiraang iniwan ni Uwan, mga P2.8 bilyon ang sa mga impraestraktura, kasama ang ilang mga karsada. Sa agrikultura, mga P400 milyon ang nasirang pananim sa mga 8,000 ektaryang bukirin. Ang natitira namang mga P510 milyong halaga ng kasiraan ay sa mga tahanan, komersiyal at ibang sektor ng ekonomiya.”

Binigyan din niya ng diin na hindi makakaya ng lokal na pagsisikap lamang ang pagbawi ng kayang destrito “bagama’t naipakita naming sadyang mahalaga ang kahandaan. Napatunayan yan ng aming ‘zero mass-casualty outcome.’ Ngayon, ang kailangan natin ay ‘national partnership’ para maitatag ang higit na matibay na ‘flood defenses and irrigation systems.’”

“Buo ang tiwala namin sa pangako ng Pangulo na gagawin at ipatutupad niya ang pamamahalang nakabase sa sensiya at katotohanan. Handa kaming makipagtulungan sa DPWH, OCD, DA, at NIA para matiyak na bawat pisong ginagasta sa mga estraktura at iba pang inisyatibo ay sadyang magiging kapaki- pakinabang nang matagalan,” dagdag niya.

“Sana po ay mapansin pa rin kami, kahit na ‘almost zero casualty’ nga ang Albay. Nakapaghanda po talaga kami, pero yung ‘damage’ ganun pa rin. Nakapagligtas tayo ng buhay, mgunit malawak din ang pang-ekonomiyang kasiraan,” panghuling pahayag ni Salceda.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nelson Santos

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …