I-FLEX
ni Jun Nardo
DUMAGDAG na si Albie Casino sa nanawagan kay Slater Young na basagin ang katahimikan dahil sa malawakang pagbaha sa Cebu province.
Si Slater ang engineer na in charge sa real estate development na The Rise at Monterazzas na itinatayo katabi ng bundok ng Guadalupe.
Very Banaue Rice Terraces ito at ayon sa netizens, ito ang pangunahing dahilan ng pagbaha sa Cebu na sinamahan pa ng video na nag-viral sa kasagsagan ng bagyong Tino.
Ang unang nanawagan kay Slater na magsalita ay si Romnick Sarmenta.
Biglang sikat si Slater dahil kay bagyong Tino.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com