Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ador Pleyto Sr senior citizens

Pagpapahalaga sa senior citizens iginiit ng kongresista ng Bulacan

ni Gerry Baldo

IGINIIT ni Bulacan Rep. Ador Pleyto Sr., huwag isantabi ang mga senior citizen na mayroon din mahalagang ambag sa pag-unlad ng bansa.

Ayon kay  Pleyto , ang pagpapakita ng kahalagahan sa mga senior citizen ay hindi lamang sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week tuwing Oktubre kundi pagbibigay-pugay sa mga ambag nila sa pag-unlad ng bayan.

“It is but fitting and proper that we recognize the significant contributions of senior citizens to nation-building, and confront the issues and concerns affecting the elderly sector,” ani Pleyto.

Ayon kay Pleyto, kabilang sa kinakaharap na hamon ng mga senior citizen ay ang kahirapan, kawalan ng access sa healthcare, kapabayaan ng lipunan, at digital exclusion.

“Those who do rely on their SSS or GSIS pensions find that the amount is not enough to meet even their basic needs—especially amid the rising prices of food, utilities, and medicines.”

Sa kabila rin umano ng mas malawak na coverage ng PhilHealth, marami pa ng senior citizen ang hindi nakapagpapagamot at nakabibili ng sapat na gamot.

“Some are left alone by families who migrate for work, while others are abandoned altogether,” sabi pa ng kongresista. “May mga sitwasyon na makikita natin silang nagpapalimos, at ‘yong iba naman dinadala sa home for the aged, na kalimitan, overcrowded na rin.”

Marami rin umanong senior citizens ang nahihirapan na makasabay sa digital transformation.

“Gaya sa GSIS, bigla na lang natigil ang aking kakarampot na pensiyon. ‘Yon pala, dapat mong i-download ang tinatawag na GSIS application upang doon mo gagawin ang mag-APIR. Paano na lang ‘yong mga nasa liblib na lugar kung wala silang cellphone o Wi-Fi?” tanong ng mambabatas.

Nanawagan si Pleyto sa kanyang mga kapwa mambabatas na magtulong-tulong upang mapabuti ang kapakanan ng mga senior citizen.

“Their hands once toiled to feed the younger generation, their wisdom continues to guide, and their sacrifices made us what we are today,” dagdag ng solon. “A society that does not value its older people denies its roots and endangers its future.” (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

PAI Philippine Aquatics Buhain

PAI, positibo sa laban ng PH aquatics squad para sa Bangkok SEAG

PUNO ng kumpiyansa ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa pagpapadala nito ng isang bata ngunit …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …