MATABIL
ni John Fontanilla
GRABE kung magmahal ng mga tauhan niya si Joel Cruz, na sa pagseselebra ng ika-25 anibersaryo ng Aficionado ay isinama sa Bangkok, Thailand ang 47 niyang empleado.
Nag-post ang pamangkin ng tinaguriang Lord of Scent na si Avic Cruz ng mga litrato at may caption na, “Aficionado celebrates 25th year anniversary in Bangkok Thailand! Thank you Tito Joel Cruz Joel Cruz Official. Ang dami namin lucky 47 employees .”
Nagbigay noon si Joel ng P25-M kaugnag ng ika-25 taon ng Aficionado at ngayon ay mamimigay ulit ito ng salapi via Aficionado Jingle Dance Contest na ang grand finals ay gaganapin sa December 13, 2025 sa DD Night Club.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com