MATABIL
ni John Fontanilla
BINIGYANG pagkilala ang pogramang SongBook ng Barangay LSFM 97.1 sa katatapos na Gawad Dangal Filipino Awards 2025 na ginanap sa Promenade Teatrino Greenhills kamakailan.
Ang Gawad Dangal Filipino Awards ay proyekto ng founder nitong si Direk Romm Burlat na ang mithiin ay magbigay ng parangal sa outstanding individuals sa iba’t ibang larangan.
Ang SongBook ay itinanghal na Best Radio Program hosted by Mama Emma and yourstruly, Janna Chu Chu at napakikinggan every Saturday and Sunda, 6:00 to 9:00 a.m..
Bukod sa award na Outstanding FM Radio Program, ginawaran din ang inyong lingkod ng Hall of Fame FM Male Radio DJ para sa programang SongBook at Outstanding Entertainment Columnist of the Year for Hataw.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com