MATABIL
ni John Fontanilla
MAKABAGBAG-DAMDAMIN ang post ni Hiro Magalona para sa kanyang asawang si Ica- Aboy Peraltasa pagseselebra ng kanilang monthsary.
Muntik mamatay sa sunog ang mag-asawa sa kanilang condo unit kamakailan,na may kaunting injury si Hiro gawa ng sunog.
Post ni Hiro sa kanyang Facebook, “Kainin man ng apoy ang ating munting pangarap, hindi mamamatay ang apoy ng ating pagmamahalan. Happy monthsary palangga ko. Pasasalamat sa Diyos binigyan niya tayo ng pangalawang pagkakataon sa buhay. Kaya natin to palangga.”
Ang nasabing post ay pinusuan ng netizens, habang ang iba naman ay nag-iwan ng mensahe para sa mag-asawa.
“Maraming salamat sa panginoon at di niya kayp hinayaang mapahamak.”
“Thank you God, both pf you are safe.”
“Biyaya bro. Kayo’y iningatan ng ating Panginoon, Praise God .”
“Laban Brother.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com