MATABIL
ni John Fontanilla
TULOY- TULOY pa rin ang ginagawang pagtulong ni Quezon City Rep. Arjo Atayde sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap nito.
Noong Sabado (Sept. 20) ay namahagi ito ng relief goods sa ilang barangay na apektado ng matinding pagbaha.
Ayon Facebook nito, “Sa kabila ng nagdaang matinding pagbaha, tiniyak ni Cong. Arjo Atayde na makarating ang tulong sa bawat pamilyang nangangailangan.
“Sa bawat pagkakataon, ipinapakita ni Cong. Arjo na ang tunay na serbisyo ay walang hangganan—lagi siyang handang magbigay ng higit pa.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com