MATABIL
ni John Fontanilla
VERY honest na ibinahagi ni Xyriel Manabat na medyo hirap siya sa pera ngayon sa pagkawala ng kanyang savings na involve ang kanyang pamilya.
Ayon ka’ Xyriel, “I’m healed. Mararamdaman at maririnig lvn’yo naman the way ko ikuwento,
“Walang bitterness and walang grudge sa family. I’m really healed.
“Wala, eh. Anong magagawa ko? It’s simply a matter of inspiring others with my story,” anang dalaga.
At kahit ganoon daw ang nangyari ay ayaw nitong magtanim ng galit sa kanyang pamilya.
“It was never about spreading hate sa family at parents ko. Okay kami.
“Actually, kaka-date lang namin kagabi. So, okay talaga kami. Wala naman tayong magagawa. Nagawa na. Naubos na.
“Ang magagawa na lang natin ngayon ay magpatawad at mag-share ng inspiring story. Ipakita natin na narito pa rin tayo. Hard working. Kakayod at kakayod,” sabi pa ni Xyriel.
Sa kanyang naranasan ay natutunan nitong mas maging mapagpatawad.
“I learned how to forgive. I’ll never take it against them (family),
“Hindi naman nila ginastos sa sugal at bisyo. Para buhayin lang talaga ang family.
“It’s just a matter of choosing wisely and prioritizing savings.
“Doon mo talaga makikita na being financially stable and having that financial freedom is really everything dito sa mundo.
“Walang hate. I’m happy na pinagdaanan ko ‘yun kasi feeling ko mas tumibay ako at mas naging masipag ako.”
Nagbigay din ito ng mensahe sa mga taong kapareho ng pinagdaanan niya.
“Hindi ka obligadong umintindi lagi. Hindi ka dapat laging bigger person.
“Kailangang ibigay mo rin sa sarili mo ‘yung freedom of forgiveness and peace kasi kailangan mo ‘yun. Kailangan mo ng peace,” sabi pa ni Xyriel.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com