MATABIL
ni John Fontanilla
NAGPAKATOTOO si Will Ashley sa pagsasabing pinasok niya ang showbiz dahil kay Alden Richards.
Bata pa lang kasi si Will ay idolo na niya si Alden at ito ang kanyang naging inspirasyon para psukin ang showbiz.
Kuwento ni Will nng ma-interview ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho, “Na-inspire po ako sa pinanonood kong teleserye sa GMA na nandoon po si Kuya Alden.
“Si Kuya Alden po talaga ‘yung idol ko before pa. Sabi ko, ‘bakit hindi ko siya i-try? Feeling ko magiging happy ako.’
” At doon na po nag-start ‘yung nag-workshop ako at nag-start na rin ako sa commercial,” ani Will.
Ilan sa naging proyekto ni Will ang Villa Quintana, Mulawin vs Ravena, Contessa, Prima Donnas,nThe Fake Life, Mano Po Legacy: The Flower Sisters, Unbreak My Heart, Prinsesa ng City Jail, atbp..
Mapapanood din ito sa upcoming movies na Bar Boys: After School, Love You So Bad, at Poonbukod pa iyan sa kanyang solo concert sa October 18 sa New Frontier Theater.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com