MATABIL
ni John Fontanilla
PROUD na proud ang dating child star na si Serena Dalrymple na ipinasilip sa kanyang Instagram ang pagbubuntis sa kanyang pangalawang anak sa asawang si Thomas Bredillet.
Sikat na sikat na child star noon si Serena na kalauna’y biglang nawala sa sirkulasyon at nabalitaan na lang na nasa Amerika at ‘di na bumalik sa pag-aartista. Roon na kasi ito nanirahan at nagka-asawa.
Ipinost ni Serena ang picture na nagpapakita kung gaano na kalaki ang tiyan ay may caption na, “Halfway through my 30’s and halfway through baby girl #2.”
Ang nasabing post ni Serena ay pinusuan ng netizens, habang ang iba naman ay nag-iwan ng komento. Ilan dito ang mga sumusunod:
“Isa pa, isa pang baby girl.”
“Can’t wait.”
“Si Jingle naka dalawa na.”
“Congratulations.”
“I always watching your movie way back 90’s.”
“Always keep safe.”
“Still looking young, preggy preggy mom.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com