MATABIL
ni John Fontanilla
MALAKI ang epekto ng kantang Kanlungan ng folk singer & composer na si Noel Cabangon sa buhay ng tinaguriang Karen Carpenter ng Pilipinas na si Cye Soriano.
Ito ay ‘yung mga oras na magulo ang pamilya ni Cye at ‘di niya alam kung saan siya pupunta. Na nang mapanood sa MixLive si Noel habang kinakanta ang Kanlungan ay bigla na lang tumulo ang kanyang luha.
Kaya naman simula noon hangang ngayon ay isa sa paborito niya si Noel at ang kanta nitong Kanlungan.
Dahil dito, nang mag-line producer si Cye sa isang concert ay hinanap niya si Noel para makasama sa concert na Songs for Hope sa Sept. 20 sa Music Museum.
Ayon kay Cye, “Personal ang dahilan kung bakit gusto kong makasama sa concert si sir Noel. ‘Yung kanta kasi niyang ‘Kanlungan’ noong kasikatan niya na nasa ‘MixLive’ siya with his guitar, and then magulo ‘yung family ko at hindi ko alam kung saan ako pupunta.”
Dagdag pa nito, “But when i heard that song ‘di na nawala sa isip ko. Noong mapanood ko siya around 3:00 in the morning, tumulo ‘yung luha ko and by that time ‘di na siya nawala sa playlist ko.
“And I cannot believe na makakasama ko siya sa show dito nga sa ‘Songs for Hope.’
“It was a dream come true na makasama ang isa sa tinitingalang singer and composer at maituturimg na haligi ng local music industry at may malaking impact sa buhay ko.”
Bukod kay Noel makakasama ni Cye sa Songs for Hope sina Faith Cuneta, Patricia Ismael, Miles Poblete, Nadj Zablan, Dindo Caraig, Dindo Fernandez, TNC Band with front act Meggan Shinew, Justin Herradura, Rafael Mamforte, Samuel Smith.
Ang Songs for Hope ay magaganap sa Sept. 20 sa Music Museum, 7:00 p.m.,
produced ng Primelens Film Production Inc. nina President Wilson Tidon & Corp Sec Mama Josh Moradas, line producer- Cye, directed by Lim Luther John.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com