MATABIL
ni John Fontanilla
NAGPAALALA si Luis Manzano sa publiko na itapon sa tamang basurahan ang kalat pagkatapos mag-scuba diving.
Nag-post sa kanyang Instagram si Luis ng larawang kuha nang siya’y mag-scuba diving sa Batangas na maraming basura sa dagat.
“Itapon sa tama ang basura natin, iwan naman natin ang kagandahan at kalinisan ng dagat sa mga anak natin,” anang aktor/host.
Ilan nga sa komento ng netizens na nakita ang mga larawan ang sumusunod.
“Tao din ang sisira sa kalikasan.”
“Sa estero ka ba nag-scuba diving?”
“Yung tao talaga ang gugunaw ng mundo.”
“Apaka walang disiplina ng Pilipino.”
“Salamat kuya Luis sa paalala.”
“Thank you for using your ig for awareness. “
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com