MATABIL
ni John Fontanilla
ANG Pinay International at award wining singer na si Lea Salonga ang gustong maka- duet ng OPM Icon at itinuturing na King of Christmas song sa Pilipinas na si Jose Mari Chan sa awiting Christmas In Our Hearts.
Hindi lang natuloy dahil hindi pumayag ang producer nito dahil ginagawa noon ni Lea ang Miss Saigon.
Pero ginabayan daw si Jose Mari ng Holy Spirit at sa kanyang pagdarasal ay naisipan niyang ibigay ang Christmas In Our Hearts sa anak niyang babae na si Liza Chan na naging instant hit nga ng una nila itong i-release ilang taon na ang nakalipas.
Kung nagkataon sana ay si Lea ang maituturing na Queen of Christmas song kung naka-duet nito si Jose Mari sa nasabing awitin.
Ilan pa sa Christmas song ni Jose Mari ang A Perfect Christmas, Count Your Blessing, Give Me Your Heart For Christmas, The Sound of Life, A Wish on Christmas Night, May the Good Lord Bless and Keep You, It is the Lord, Christmas Children at iba pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com