MATABIL
ni John Fontanilla
DREAM come true para sa batang mang -aawit na si Justin Herradura ang makasama sa konsiyerto ang iconic singer na si Noel Cabangon.
Isa si Justin sa makakasama ni Noel sa Songs For Hope along with Faith Cuneta, Miles Poblete, Patricia Ismael, Cye Soriano, Nadj Zablan, Dindo Caraig, Dindo Fernandez, TNC Band with front act Meggan Shinew, Rafael Mamforte, Samuel Smith.
Ayon kay Justin, “Isang dream come true po na makasama sa isang concert ang isa sa maituturing na haligi ng musika sa Pilipinas.
“Dati pinapanood ko lang sa tv si sir Noel, pero ngayon makakasama ko na sa isang concert, nakaka-proud po.
“Sana katulad ni sir Noel makapag-record din ako ng song na sisikat at kakantahin ng ibang tao.
“At katulad ni sir Noel na may staying power sa industry, sana magtagal din ako sa larangan ng pagkanta at marami pang song ang magawa,” dagdag pa ni Justin.
Seven times defending champion ng Tanghalan ng Kampeon at kami mismo ay napabilib sa husay nitong kumanta.
Sana lang ay dapuan ng suwerte si Justin at magkaroon ng kanta na maghi-hit dahil bukod sa husay ay napakabait, marespeto na bata at laging may handang ngiti sa mga press na nag-iinterview sa kanya.
Ang Songs for Hope ay magaganap sa Sept. 20 sa Music Museum, 7:00 p.m.,
produced ng Primelens Film Production Inc., directed by Lim Luther John.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com