MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI na talaga maawat ang pag-arangkada ng career ni Will Ashley na mula acting to singing, ngayon ay magko-concert na.
Magkakaroon nga ito finally ng first major solo concert, ang Big Night. Big Energy with Will Ashley na magaganap sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.
Kaya naman ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ito ng ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mismong ang creative director ng StageNova Entertainment na si Marvin Caldito II ang nag-announce nito sa social media.
Ang Big Night. Big Energy with Will Ashley ay magaganap sa October 18, 2025.
Bukod sa concert, abala rin si Will sa shooting ng Bar Boys 2 at sa Love You So Bad kasama ang kapwa PBB na sina Dustin Yu at Bianca De Vera.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com