MATABIL
ni John Fontanilla
MALA-Judy Ann Santos ang dating ng newbie child star na si Candice Ayesha na isa sa bida ng advocacy film na Aking Mga Anak na nagsimulang ipalabas sa mga sinehan noong September 3.
Katulad ni Judy Ann mabilis umiyak at mahusay sa drama si Candice. Sa pelikulang Aking Mga Anak ay ginagampanan nito ang role na Sarah, mayaman, mabait sa mga kaibigan, pero kulang sa kalinga ng mga magulang na abala sa trabaho.
Halos karamihan nga ng eksena ni Candice ay madrama at puro iyakan, na nagampanan naman ng buong husay kahit baguhan.
Bukod sa pag-arte ay mahusay din itong mag-host. Isa si Candice sa host ng children show na Talents Academy ng IBC 13.
Pangarap din ni Candice na mapasama sa isang teleserye at magkaroon pa ng maraming pelikula.
Ang Aking Mga Anak ay hatid ng DreamGo Productions ni Mr JS Jimenez at Viva Films, written and directed by Jun Miguel.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com