MATABIL
ni John Fontanilla
EXCITED na ang tinaguriang Karen Carpenter ng Pilipinas na si Cye Soriano sa nalalapit na concert ni Noel Cabangon, ang Songs for Hope tampok ang TNC Band sa September 20 sa Music Museum, 7:00 p.m. na isa siya sa magiging espesyal na panauhin.
Ani Cye, “Isang malaking karangalan na makasama sa concert ang nag-iisang Noel Cabangon na isang awardwinning at napakahusay na singer.”
Dagdag pa nito, “Once in a lifetime ang ganitong klaseng opportunity kaya nagpapasalamat ako sa aming producers.
“Bukod sa akin may mga OPM singer din akong makakasama sa concert.”
Makakasama nina Cye at Noel ang mga OPM artist na sina Queen of Asianovela theme songs Faith Cuneta, Patricia Ismael, Nadj Zablan, Dindo Caraig, Dindo Fernandez with front act Meggan Shinew, Justin Herradura, Rafael Mamforte, at Samuel Smith.
Ang Songs for Hope ay ipinrodyus ng Primelens Film Production Inc. President Wilson Tidon & Corp Sec Mama Josh Moradas, Line Producer-Cye Soriano, directed by Lim Luther John.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com