MATABIL
ni John Fontanilla
ANG makatulong sa pelikula ang isa sa advocacy ni JS Jimenez ng DreamGo Productions kaya naman ipinrodyus nito ang pelikulang Ang Aking Mga Anak na pinagbibidahan ng kanyang apo na si Jace Fierre.
Ayon nga kay Mr JS, “I like to help the film industry to spread awareness tungkol sa iba’t ibang kuwento at nangyayari sa mga kabataan at pamilya na ipakikita sa pelikula namin.
“Kumita man o hindi ‘yung pelikula namin, masaya na ako na nakagawa ako ng advocacy film, pero mas okey na kumita kahit paano para tulong na rin sa susunod na pelikulang gagawin namin.”
Idolo nito ang yumaong Regal Matriach na si Mother Lily Monteverde na buong buhay nito ay ibinigay sa paggawa ng pelikula.
“Katulad ni Mother Lily na grabe ang pagmamahal sa pelikula, kahit humina ang movie industry tuloy-tuloy pa rin ang paggawa niya ng movie.
“Kung susuwertehin gusto ko rin maging katulad niya na patuloy na gagawa ng pelikula, mga pelikulang may matututunan ‘yung mga manonood.
“Kaya naman pagkatapos ng pagpapalabas ng Ang Aking Mga Anak ay may next movie na kami na gagawin ngayong September. Nag-usap na kami ni direkJun Miguel at ipalalabas sa December kaya magkita-kita tayo ulit.”
Sa September 3 na ang showing sa mga sinehan nationwide ng kauna-unahang movie project ni Sir JS under his DreamGo Productions na Aking Mga Anak sa direksiyon ni Jun Miguel, ang director ng award winning children show, ang Talents Academy.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com