MATABIL
ni John Fontanilla
MARAMING mga tagahanga si Nadine Lustre ang nalungkot nang malaman na ang ginagawa pa lang pagsasanay sa passarela ay para sa 2025 Metro Manila Film Festival movie nila ni Vice Ganda.
Akala kasi ng mga tagahanga ng award winning actress ay sasabak ito sa pageant lalo’t beauty and brain ang aktres at may magandang height na pasok na maging beauty queen.
Ang iba nga ay nagsasabing pang-Hespano Americana ang beauty ni Nadine, habang ang iba naman ay pang Miss World, Miss Grand International o Miss Universe.
Nanlamya na lang ang mga ito na ‘di naman pala sasali si Nadine at nagsasanay lang para sa kanilang pagsasamahang pelikula ni Meme Vice na Call Me Mother sa direksiyon ni Jun Lana.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com