Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zela JF

Zela pang-international na

MATABIL
ni John Fontanilla

GOING international ang Fil-Am Ppop soloist na si Zela na isa sa pambatong artist ng AQ Prime Music.

Ayon sa isa sa executive ng AQ Prime Music na si RS Francisco na siya ring nagsilbing host ng mediacon para sa 10 track album na Lackhart at launching na rin ng new song na Ace, may kausap silang Korean producer na gustong sugalan at ipakilala sa international music scene si Zela.

Kaya naman kapag nagkataon ay makakahilera na ni Zela ang mga Ppop artist tulad ng SB19 at BINI na may international market na rin.

Kung sabagay sa pakikinig sa mga kanta ni Zela na mostly ay siya ang nag-compose at sa napanood naming music video nito ay pang-international ang dating.

Ang maganda pa kay Zela ay napaka-hardworking at versatile. Magaling kumanta, sumayaw, mag-compose at magsalita.

Ang album ni Zela ay naglalaman ng 10 awitin na ang anim ay siya mismo ang nagsulat, ito ay ang A.C.E (Activate Confidence to Empower)01/01, Z.L. (Zone Leader, G.O.A.T (Greatest Of All Time), Chaos, at Leave Me. Ang apat na iba pa ay ang mga kantang Arangkada, Paraiso, Bababa, at Hanap Ka Na Lang Ng Iba.

Sa ngayon ay busy si Zela sa promotion ng kanyang bagong sure hit na danceable song na Ace.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …