Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cecille Bravo Aking Mga Anak

Philanthropist-Businesswoman Cecille Bravo mahusay sa Aking Mga Anak 

MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMING nagulat sa ipinakitang husay sa pag-arte ng Philanthropist at Celebrity Businesswoman na si Cecille Bravo sa advocacy film na Aking Mga Anak hatid ng DreamGo Productions ni Mr JS Jimenez at Viva Films, sa direksiyon ni Jun Miguel.

Revelation nga ang husay at lalim sa pag-arte ni Tita Cecille na baguhan lang at walang pormal na background o workshop sa acting.

Sa pelikulang Aking Mga Anak  ay ginagampanan ni Tita Cecille ang role bilang si Aling Asaph na mataray at matapang na nagmamay-ari ng paupahan at may mga ampon na pinag-aaral at dalawa dito sina Klinton Start at Prince Villanueva.

Pero sa likod ng pagiging matapang at mataray ay mayroong busilak at mapagmahal na puso at ‘yun ang isa sa ipinakita sa pag-usad ng pelikula.

Maituturing na second movie na ito ni Tita Cecille na may cameo role sa pelikulang  Collab na pinagbidahan nina Alexa ilacad, KD  Estrada, Jameson Blake, at Kira Baringer. Pero rito sa pelikulang Aking Mga Anak ay mas mahaba at challenging ang role ni Tita Cecille na nagampanan nito ng buong husay.

Makakasama ni Tita Cecille sa  Aking Mga Anak sina Hiro Magalona, Natasha Ledesma, Prince Villanueva, Patani Dan̈o, Klinton Start, Ralph Dela Paz, Art Halili Jr., Nicole Al Amiier at ng mga bageta na sina Jace Fierre, Juharra Zhianne Asayo, Alejandra Cortez , Madisen Go, at Candice Ayesha.

Mapapanood ang pelikula sa  September 3, sa mga sinehan nationwide.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …