MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG-MASAYA si Alden Richards sa mga larawang kuha sa kanyang unang araw sa pag-aaral bilang piloto.
Ito na nga ang umpisa ng katuparan ng pangarap ni Alden para maging isang piloto.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi nito ang mga litrato habang naka-uniform katabi ng isang aircraft, kasama ang kanyang pamilya, at may caption na, “Day 1 starts today…”
Umani ng iba’t ibang positibong komento mula sa netizens ang post na iyon ng aktor at ilan dito ang:
” Goodluck Alden, for sure, kaya gusto niya maging piloto dahil bibili na yan ng ‘private plane!”
“After mag-collect ng bike at mamahaling kotse, eroplano naman ang bibilhin ni Alden. Sigurado yan at deserve niya yon!”
“Inaabangan na ngayon ng mga netizen na after nga raw ng pag-aaral sa pagpapalipad ng plane ay kung bibili talaga si Alden ng sarili niyang plane.
“Sobrang nakaka-proud kahit casual fan lang ako. Eto na kung talaga ‘yung matagal na niyang pangarap pero mas inuna nya pa mag-provide sa pamilya n’ya. At last, natutulad na ang pangarap ni Alden.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com