Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Macapagal Piolo Pascual John Lloyd Cruz Angel Locsin Bea Alonzo

Piolo, Lloydie, Angel, Bea gustong makatrabaho ni Alfred Macapagal

MATABIL
ni John Fontanilla

PANGARAP ng newbie actor na si Alfred Macapagal na makatrabaho ang mga iniidolong artista na sina Piolo Pascual, Enrique Gil, John Lloyd Cruz, Angel Locsin, at Bea Alonzo.

Ayon sa baguhang aktor,  “Bata pa lang po ako ay pangarap ko na maging artista at mapanood sa TV o sa pelikula katulad ng mga hinahangaan kong artista.

Sabi ko nga sa sarili na balang araw ay magiging artista rin ako ay mapapanood sa TV, na nangyari nga.”

Dagdag pa ni Alfred na, “Dream ko po na makasama at makatrabaho ‘yung mga iniidolo kong artista na sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, si Enrique Gil na pare-parehong mahusay na actor.

“Sa babae naman po ang gusto ko makasama sa serye o pelikula ay sina Angel Locsin at Bea Alonzo.

“Alam ko pong medyo mahirap dahil super sikat sila, pero wala naman pong masamang mangarap, malay po natin dumating ‘yung araw na ibigay ni Lord ‘yun at makatrabaho ko sila,” sabi pa ni Alfred na punompuno ng pag-asa.

Ilan sa mga proyektong nagawa na ni Alfred ang Mr. Popular Meets Nobody sa Wattpad , Mirabella, Be Careful With My Heart, at re-enactment sa  Rated Korina.

Sa ngayon ay hinintay pa nito na gumiling ang kamera ng pelikulang gagawin nila at sana nga ay mas dumami pa ang mga project na dumating sa kanya. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …