MATABIL
ni John Fontanilla
GRABE ang suporta ng mga tagahanga ni Will Ashley mula Pilipinas at maging sa ibang bansa na nag-sponsor ng food sa shooting ng Bar Boys na kasama sa cast ang aktor.
Kitang-kita nga ang sobra-sobrang kasiyahan ni Will sa mga litrato nito habang nasa cart ng mga pagkaing hatid ng kanyang mga tagahanga.
Nagpapasalamat nga ito sa effort at suporta ng kanyang mga loyal supporter worldwide.
Post ng admin ni Will sa FB page nito na pumalo na sa 1.7 million ang followers ng mga larawan na may caption na: “Food support for Will Ashley’s taping for BAR BOYS: Afterschool.
-Coffee Truck
-Dunkin Truck
-Will’s favorite Green tea.
-Red tea drink
-Cake
-Pizza
etc.
“Thank you so much WILLievers GDM and Team Will International for making sure that WILL felt our love and support for him.
“Thank you all for supporting Will Ashley in prayers, in donations and any other form of support. 😍 -ADMIN #WillAshley
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com