MATABIL
ni John Fontanilla
SIMPLE at napakaganda ng kasuotan ni Heart Evangelista sa 4th State of the Nation Address at sa opening ng 20th Congress ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Lunes, July 28, 2025.
Suot ni Heart ang puting Filipiniana with architectural folded details na mula sa sikat na designer na si Michael Leyva na pinarisan ng gold clutch at ipinost sa kanyang Instagram account.
Dumalo rin sa SONA ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach-Jauncey.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com