MATABIL
ni John Fontanilla
ISANG romantic French dinner ang inihanda ni Matteo Guidicelli para sa kanyang asawang si Sarah Geronimo na nagselebra ng ika- 37 kaarawan.
Sa isang Instagram Reel ni Matteo ay ibinahagi niya ang kanilang dinner date ni Sarah sa isang French restaurant para i-celebrate ang kaarawan nito.
Sa larawang ipinost ni Matteo makikita ang maybahay nitong si Sarah na masayang-masaya habang hinihipan ang kandila sa birthday cake.
“When I’m with you, my love, everything is tutto bene (alright),” ani Matteo.
“I just want you to be happy every day,” dagdag nito na may caption na. “Happy birthday, my love.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com