MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI naiwasang matawa at maiyak ni Judy Ann Santos sa nilutong tinapay na
focaccia dahil sobrang tigas, as in kasing tigas ng bato at kasing tigas ng kahoy.
Sa isang video na ipinost ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo sa kanyang Instagram, kitang-kita ang natatawa, mangiyak-ngiyak na si Judy Ann sa kinalabasan ng kanyang niluto.
“At least may pampalit na tayo sa mga kahoy na matatanggal dito sa bahay,” natatawang biro ng aktres habang hawak-hawak ang nilutong tinapay.
Sinubukan ngang kagatin iyon ng kanilang anak na si Luna na napa-“Awww” sa tigas.
Pabiro nga ni Ryan kayJudy Ann, “Noong pandemic, natuto kang mag-bake ng kahon. Ngayong bagyo, natuto kang mag-bake ng…”
Na sinagot naman ni Judy Ann ng, “Kahoy!” habang natatawa, sabay hirit ng
“Hollow block next time!”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com