MATABIL
ni John Fontanilla
TATLONG araw nang naglilibot sa iba’t ibang evacuation center sa Distrito 5 ng Quezon City ang Barangay LSFM 97.1 DJ na si Papa Dudut or Renzmark Jairuz Recafrente para tumulong sa mga nasalanta at bagyong Crising.
Kasama ni Papa Dudut na lumibot at tumulong ang kanyang maybahay na si Jem Angeles- Recafrente.
Panata na ni Papa Dudut na tumulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong lalong-lalo na ‘yung malalapit na barangay sa kanyang tahanan sa QC.
Post nga nito sa kanyang Facebook, “Dear Papa Dudut, Madalas, hindi lang sa ayuda nakakagaan ng pakiramdam kundi sa simpleng presensya at pakikisama. Minsan, sapat na ’yung maramdaman nilang may kasama sila, may nakikinig, at may handang umalalay. Hindi man natin agad masolusyunan ang lahat ng problema, malaking bagay na may karamay sila sa gitna ng hirap.
“Ps: Mabait mga taga barangay naten kaya lahat po ng paparating na donations ay kanilang maluwag na tatanggapin… huwag na magdalawang isip, lapit na sa pinakamalapit na evacuation center sa inyong lugar para sa inyong mga donations.”
Isa pang post nito, “Sa gitna ng baha, nagdala tayo ng lugaw na may sahog, kwento, at kaunting pag-asa.
“Ngayong gabi sa Fairview Elementary School, nakasama natin ang mga kabarangay nating binaha. Salamat kay Jem sa diaper at gatas para sa anak ng isa naming lechonero.
“Babalik po tayo bukas dala ang food packs at mga damit. Walang maliit na tulong basta’t galing sa puso.
“Salamat sa aking staff sa pamilya ko sa oras, pagmamahal, at lakas. Sa gustong tumulong, G na yan!”
Hangang ngayon ay patuloy pa ring naglilibot si Papa Dudut at kanyang maybahay sa iba pang evacuation center sa QC para patuloy na magbigay-tulong.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com