Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeremie Vargas Dindong Dantes Marian Rivera

Marian at Dingdong gustong maka-collab ni Jeremie Vargas

MATABIL
ni John Fontanilla

GUWAPO at napaka-versatile ng actor, director, commercial model and acting coach at the same time na si Jeremie Vargas.

Tall, dark and handsome nga ang 21 year old na si Jeremie na ‘di na maituturing na baguhan sa showbiz sa rami ng proyektong ginawa nito.

Ilan sa naging proyekto nitong pelikula ang Samakatuwid ni Jeremiah Palma na ginampanan ang role na Gary, isang kontrabida; Luna na siya ang bida at ginampanan ang role na Jason at nanalong Best Actor sa RV International Film Festival na siya ring direktor ng pelikula;  Abaya na siya rina ng bida at gumanap bilang Celso kasama ang Viva artist na si Irene Sollovilla at nakasama sa Indian Film Festival, nanalo ng 2nd Prize Best Film.

Ilan naman sa naging TV projects nito ang Love You Stranger, Urduja, at Magandang Dilag. Habang nakagawa na rin siya ng ilang TV commercials at ads.

Ang mag-asawang Dindong Dantes at Marian Rivera ang iniidolo niya at gustong makatrabaho.

Sa ngayon ay abala ito bilang acting coach ng mga baguhang alaga ng Artist Lounge  at sa pagdidirehe ng commercials.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …