Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miles Poblete Ako si Kindness

Miles Poblete balik pag-arte  

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGBABALIK sa pag-arte ang singer-actress na si Miles Poblete after 20 years, dahil nag-focus muna ito sa kanyang singing career.

Ayon kay Miles, “Bale sa pag-arte 20 years akong ‘di gumawa ng pelikula o umarte sa telebisyon, pero ‘yung pagkanta ko dire-diretso lang.

“Bale naging member ako ng Legendary Hotdog band. Ako ‘yung Hotdog girl na nakasama nila sa huling world tour.

“Noong May 10, 2025 nag-concert ‘yung international boyband na Moffats, ako ‘yung nag-front act sa kanila,” kuwento ni Miles. 

At ngayon ay dalawa ang pelikulang ginawa nito, ang advocacy film na Ako si Kindness ni Crisaldo Pablo at ang Mga Munting Tala ni Errol Ropero.

“Sa ‘Ako si Kindness,’ ako ‘yung gumanap na nanay ni Kindness na nag-premiere showing sa QC Experience.

“Kasama ko sa movie sina Marianne Bermundo, Kween Buraot, William Thio, Rubi Rubi atbp., directed by Crisaldo Pablo,” pagbabahagi pa ni Miles.

Dagdag pa nito, “Kasama rin ako sa ‘Mga Munting Tala,’ ako rin ‘yung kumanta ng theme song. 

“Bale nanay ako ng isa sa mga bida, si Mary. Makakasama ko sila Jeffrey Santos, Richard Quan, at ang limang child actors—Francis Saagundo at Drey Lampago from ‘Incognito,’ Scarlet Alaba ng ‘Lolong,’ Ryrie Sophie ng ‘Mujigae,’ at Introducing dito si Yassi Ibasco batang galing sa Bicol. Directed by Errol Ropero. 

“May single rin akong ipino-promote, ang ‘Should I Stay,’ 1st indie song ko under G-spot Experience, compose by GT Lim.” 

Sa August 7 ay mapapanood si Miles sa Family Feud kasama ang mga Metropop winner.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …