MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI agad nakauwi sa Pilipinas ang mag-inang Katrina Halili at Katie na nasa HongKong dahil inabot ng bagyong Wipha ( locally named Crising).
Ibinahagi ni Katrina sa kanyang Facebook ang bakasyon-bonding nila ng anak last Saturday, July 19 na naantala ng maagang nag-close ang theme park dahil sa paglakas ng bagyo (signal number 3).
Sabi nga ni Katrina ka’y Katie na ipinost niya sa kanyang FB, “Ok lang ‘yan anak, ang importante magkasama tayo.”
At noong Sunday naman ay itinaas ng HongKong Weather Nureau sa signal No. 10 ang bagyo, kaya naman naantala ang biyahe ng mga ito pabalik ng Pilipinas.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com