MATABIL
ni John Fontanilla
SA mga isyung kinakaharap ni Awra Briguela ay laging nasa tabi nito ang Unkabogable Star na si Vice Ganda para payuhan ang kanyang alaga.
At sa recent graduation nito sa University of the East, Recto ay muli na namang pinutakti ng intriga si Awra at to the rescue ulit si Vice Ganda na nagbigay ng mensahe.
“Congratulations!!!! Never mind the noise. Focus on your win. Love u!”
Na agad namang sinagot ni Awra ng “Thank you so much My Lovely Muder, I wouldn’t even be here if it weren’t for you. I promise I’ll keep focusing on the love and the people who truly matter just like you taught me. The rest? They’re just background noise. I love you so much My lovely Muder.”
Through thick and thin nga ay lagi lang nakaalalay, sumusuporta at nagbibigay payo si Vice Ganda sa kanyang alagang si Awra mula noon hangang ngayon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com