MATABIL
ni John Fontanilla
PROMISING ang baguhang singer na ipinanganak at lumaki sa Toronto, Canada, si Shane na alaga ng Vehnee Saturno Music.
Katulad ng kanyang mga idolo na sina Celine Dion, Mariah Carey, Whitney Houston, at Regine Velasquez ay biritera rin si Shane na napahanga ang mga invited entertainment press sa ganda at taas ng boses.
Sa launching ng kanyang first single na My Boy na danceable mula sa komposisyon ni Maestro Vehnee Saturno ay inawit nito with back up dancers.
Ayon kay Shane, “Eversince my biggest inspiration po are Celine Dion, Mariah Carey, Whitney Houston and dito naman sa ‘Pinas Regine Velasquez and Bini.
“The first song that I perform when I was young was ‘To Love You More’ by Celine Dion.”
Ang very supportive dad nito ang nagturo sa kanyang kumanta at namana ang husay sa pagkanta.
“When I was a todler, my dad thought me how to sing, I have my talent from him and now I’m here.
“I would describe my music style as… honestly I love everything, I want to learn how to become versatile because in case someone ask you to sing this song you can sing it, dapat ganoon.”
Ang sikat na grupong Bini naman ang gusto nitong maka-collab sa concert.
“I would say Bini po, because my generation is same as mine, we can get the same audience.”
Thankful si Shane sa kanyang very supportive
Mother na kasama mula sa Canada para sa launching at promotion ng kanyang awiting My Boyat sa kanyang father na nasa Toronto, Canada, at sa kanyang composer na si Maestro Vehnee, at voice coach na si Ladine Roxas- Saturno.
Habang nasa Pilipinas si Shane ay magiging abala ito sa kanyang mall show na magsisimula sa Aug 2 sa Ali Mall Araneta City at guesting sa iba’t ibang radio program.
Ang My Boy ay available na sa lahat ng streaming app habang ang music video at lyric video nito ay mapapanood sa Youtube Channel ng Vehnee Saturno Music.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com