MATABIL
ni John Fontanilla
PROMISING ang bagong alaga ng Artist Lounge Multi- Media Inc., ang18 years old na tubong Laguna, si Marqui Ibarra.
Masuwerte ang young actor dahil baguhan man sa showbiz ay nakasama na sa isa sa malaking GMAseries, ang, My Fathers Wife na pinagbidahan nina Jak Roberto, Gabby Concepcion, at Kylie Padilla.
Ginampanan nito ang role na young Gerald (Jack).
Kuwento nga ni Marqui na kinabahan siya sa first acting project. Ibinahagi rin nito ang unang pagkikita ni Jak na aniya ay sobrang bait.
“Medyo kinabahan ako kasi first acting project ko ‘yung ‘My Fathers Wife,’ bale ginampanan ko po ‘yung role ni Gerald bilang batang Jak Roberto.
“Noong una ko pong na-meet si Kuya Jak medyo nahihiya ako sa kanya kasi sikat na artista siya pero sobrang bait pala niya.”
Habang sina Dennis Trillo at Kathryn Bernardo naman ang mga hinahangaan nitong artista at dalawa sa pangarap niyang makatrabaho.
“Paborito ko pong aktor si Kuya Dennis magaling po kasi siyang umarte, siya po ‘yung pinagkukunan ko ng inspirasyon pagdating sa pag-arte.
“Sa babae naman po si Kathryn Bernardo, napakagaling pong umarte.
“Wish ko po na sana po makatrabaho ko silang pareho sa pelikula o sa teleserye,” sabi ni Marqui.
Sa ngayon ay sumasailalim siya sa acting, singing, at dancing workshop para mas maging handang-handa siya sa mga susunod pang proyektong darating sa kanya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com