MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI man naging big winner sa katatapos na PBB Collab at second placer lang ang Kapuso actor at tinaguriang Nation’s Son na si Will Ashley ay wagi naman ito sa puso ng Sambayanang Filipino dahil umabot na sa 1 million ang kanyang Instagram at X ( Twitter ) account.
Ipinost nga ni Will sa social media account niya ang pagkakaroon ng 1 million followers.
Post nito sa IG, “Heyyyy, 1M! Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap!”
At post naman nito sa X, “HAPPY 1M FOLLOWERS SA IG!! SALAMAT SA OL! LAB KO KAYOOOO.”
Malaking tulong ang pagkakasama nito sa PBB Collab sa paglago ng bilang ng kanyang social media accounts at biglang kasikatan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com