MATABIL
ni John Fontanilla
ITINANGGI ng singer-actress Ciara Sotto na may romansang namumuo sa kanila ng basketball player na si James Yap.
Nag-ugat ang balita sa social media na napabalitang nagdi-date ang dalawa.
Pero kaagad naman itong pinabulaanan ni Ciara nang matanong tungkol sa relasyon nila ni James.
“No, he’s a friend. He’s a good friend of mine. Matagal na kaming magkaibigan.”
Dagdag pa nito, “Kilala ko na siya, Purefoods days pa. Kasi, teammate sila ni Marc Pingris.
Si Marc Pingris ay asawa ng pinsan ni Ciara na si Danica Sotto.
Mas naka-focus daw si Ciara sa pagpapalakita ng anak at walang time para sa panibagong pag-ibig.
“Majority of my time, talagang naka-focus ako sa pagpapalaki ng anak ko,” ani Ciara.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com