MATABIL
ni John Fontanilla
WAGING -WAGI si Nadine Lustre dahil siya ang hinirang na Best Supporting Actress sa 53rd Guillermo Mendoza Box Office Entertainment Awards.
Ang parangal kay Nadine ay dahil na rin sa mahusay nitong pagganap bilang si Nicole sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions ni Bryan Dy na naging entry sa Metro Manila Film Festival 2024.
Bukod sa nasabing parangal ito rin ang itinanghal na Topnotch Actress of the Year ng Asia Pacific Topnoch Men and Women Achievers Awards 2025.
Winner din ang mga negosyo ni Nadine katuwang ang kanyang very supportive boyfriend na si Christophe Bariou at parents na sina Tito Dong at Tita My.
Kaliwa’t kanan din ang commerials, print ads, at endorsements nito. Regular din itong napapanood bilang isa sa hurado ng Masked Singer Philippines Season 3.
Tuloy-tuloy din ang pagsi- share nito ng blessings sa kanyang mga sinusuportahang charities.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com