Monday , July 28 2025
Elijah Alejo

Elijah Alejo excited makatrabaho ang FranSeth 

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYA ang isa sa promising young star ng Kapuso Network na si Elijah Alejo dahil makakatrabo niya ang mga Kapamilya Stars na sina Francine Diaz at Seth Fedelin na siyang bida sa pelikulang She Who Must Not Be Named.

Nakatutuwa kasi ngayon ay may chance na kami from GMA na makatrabaho ‘yung stars ng ABS-CBN.

“Excited na akong makatrabo sina Francine (Diaz) at Seth  (Fedelin), gayundin ‘yung ibang stars na kasama sa movie.”

Napanood si Elijah sa ilang programa ng GMA Network kabilang ang Maka, Lilet Matias: Attorney-at-Law, Abot Kamay Na Pangarap, Lovers and Liars, Black Rider, Prima Donnas, Marimar at iba pa. 

Pagpapatunay lamang ito ng husay ng dalaga sa pinili niyang craft. 

At this time ay mabait ang role na gagampanan ni Elijah at hindi ‘yung mga role na kalimitan niyang ginagawa sa GMA na maldita at kontrabida.

Makakasama ni Elija sa pelikula bukod kina  Francine at Seth sina Bobby Andrews, Ruby Ruiz, Bernadette Alysson-Estrada, Kych Minemoto, Kaleb One. Hatid ng  Ohh Aye Productions Inc. sa panulat ni Lawrence Nicodemus at mula sa direksiyon ni Christopher Novabos at mapapanood soon sa mga sinehan nationwide. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Kylie Verzosa villa Italy

Kylie Verzosa bumili ng villa sa Italy

MATABILni John Fontanilla BONGGA ang aktres at dating Miss International, Kylie Verzosa dahil nakabili ito ng mamahaling villa …

Mika Salamanca Will Ashley soup kitchen

Will at Mika kasamang namahagi ng pagkain sa QC at Marikina

I-FLEXni Jun Nardo TUMULONG ang ilang Kapuso stars sa pamamahagi ng pagkain sa kasagsagan ng bagyong Crising. …

Maine Mendoza Miles Ocampo

Miles at Maine kapwa present sa Eat Bulaga! hiwalay nga lang ng segment 

I-FLEXni Jun Nardo TULOY ang dalawang noontime shows kahapon, Huwebes, na live kahit na nga …

Jed Blaco Grand Champion sa Dance Kids 2025

Jed Blaco Grand Champion sa Dance Kids 2025

MATABILni John Fontanilla GRAND champion sa katatapos na Dance Kids 2025 na ginanap sa Riverbank  Marikina ang 12 …

Alice Dixson

Alice bagets pa rin ang hitsura kahit 56 na  

MATABILni John Fontanilla SA edad 56, maraming netizens ang namamangha sa mala-bagets na hitsura ng …