Saturday , July 26 2025
Jomari Yllana Motorsport Carnivale 2025 sa Okada Manila sa May 4 na

Motorsport Carnivale 2025 sa Okada Manila sa May 4 na

MATABIL
ni John Fontanilla

“I started very young, but underground, illegal,” ang kuwento ni Jomari Yllana sa pagkahilig sa motorsport.

Ang Motorsport Festival ay inorganisa  ni Jomari kasama ang kanyang Yllana Racing Team katuwang ang  Okada Manila.

Sa mediacon ng Okada Manila Motorsport Carnivale 2025, sinabi ni Jomari na, “I used to race for bets. I remember, hinuli pa ako ni Mayor Jinggoy.

“’Yun ‘yung time na ‘yan, ‘yung mga illegal drag racers na nandiyan sa creek side in Greenhills.

“I remember nakapila kami sa presinto, tapos tinawag niya ako tinanong ako kung ako ba ‘yung kasama ni Mark Anthony Fernandez sa Guwapings, ‘yung anak ni Rudy Fernandez.

“’Ikamusta mo ako kay Douglas (Quiano),’ sabi niya at pinakawalan na ako at sinabihang ‘wag na uulit.”

At pagkatapos ng nasabing insidente ay pinasok na niya ang pagiging professional  race car.

“I went professional na after that. I was picked byToyota Team TOM’S in 1996 to be a professional race car driver.

“I learned a lot from them. That started my advocacy for road safety and to promote legal racers.” 

At noong 2002 nang magkaroon ng anak (Andre Yllana) sa aktres na si Aiko Melendez ay pansantalang huminto siya sa pagri-race.

Pero taong  2011 ay binalikan nito ang pagri-race pero this time ay sinubukan naman  ang international at nanalo.

“I launched Yllana Racing Team and we competed in Korea, nakatsamba naman, nanalo. 

“And then, two or three years ago, I tried rally sprint, we became the first diesel-engine powered car that won in a rally, and now we’re doing events professionally.” 

At sa May 4 ay magsisimula ang Motorsport Carnivale 2025 sa Okada Manila.

In partnership with Okada Manila, our major presenter, we’re proud to bring back this celebration of speed, style and Filipino pride.

We want to rally every racing enthusiast, family, and fan into one inclusive and passionate motorsport community.” 

The action starts early with a Super Sprint from 6:00 a.m. to 6:00 p.m., followed by the much-awaited Grand Car Meet: Legends of the ’90s at 7:00 p.m..

Racing continues on May 31 with Jom’s Cup, an 1/8-mile drag racing challenge to be held at the Boardwalk and Gardens of Okada Manila.

A special EV car showcase with guest celebrities will be held during intermissions, adding a modern, sustainable twist to the day’s events. Other major motorsport events will be announced soon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Kylie Verzosa villa Italy

Kylie Verzosa bumili ng villa sa Italy

MATABILni John Fontanilla BONGGA ang aktres at dating Miss International, Kylie Verzosa dahil nakabili ito ng mamahaling villa …

Mika Salamanca Will Ashley soup kitchen

Will at Mika kasamang namahagi ng pagkain sa QC at Marikina

I-FLEXni Jun Nardo TUMULONG ang ilang Kapuso stars sa pamamahagi ng pagkain sa kasagsagan ng bagyong Crising. …

Maine Mendoza Miles Ocampo

Miles at Maine kapwa present sa Eat Bulaga! hiwalay nga lang ng segment 

I-FLEXni Jun Nardo TULOY ang dalawang noontime shows kahapon, Huwebes, na live kahit na nga …

Jed Blaco Grand Champion sa Dance Kids 2025

Jed Blaco Grand Champion sa Dance Kids 2025

MATABILni John Fontanilla GRAND champion sa katatapos na Dance Kids 2025 na ginanap sa Riverbank  Marikina ang 12 …

Alice Dixson

Alice bagets pa rin ang hitsura kahit 56 na  

MATABILni John Fontanilla SA edad 56, maraming netizens ang namamangha sa mala-bagets na hitsura ng …