Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marianne Bermundo Kyle Echarri

Kyle Echarri gustong makapareha ni Marianne Bermundo

MATABIL
ni John Fontanilla

SA pagpasok sa showbiz ng newbie teen actress  at beauty queen na si Marianne Bermundo ay okey sa kanya na magkaroon ng ka-loveteam.

“I’m open po na magkaroontug ka-loveteam, every opportunity na makakatulong sa akin okey po ako.

“And ‘yung mga hinahangaan ko rin pong artists nagsimula rin po sa pagkakaroon ng ka-loveteam like Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, kaya no problem for me po if mayroon din ako.”

At if ever nga na magkakaroon ito ng ka-loveteam ay gusto niya ang controversial singer and actor na si Kyle Echarri.

I think the first man that comes to my mind is Kyle. Kasi he’s very talented and magaling din umarte.

” And bukod po sa talented si Kyle matangkad at guwapo siya.

“Hopefully po makatrabaho ko siya in the near future.”

At kahit nga baguhan sa pag-arte ay mukhang may ibubuga si Marianne nang makita at mapanood namin itong umarte nang bumisita kami sa kanilang shooting ng pinagbibidahang advocacy movie na Ako si Kindness.

Heavy drama ang mga eksena at talaga namang maraming luha ang umagos sa mata ni Marianne sa eksenang iyon.

At maging ang mga tao sa paligid including myself ay ‘di naiwasang maluha sa husay ng nasabing eksena nina Marianne at ng aktres na si Rubi Rubi.

Idinidirehe ito ni Crisaldo Pablo. At makakasama rin dito sina Patricia Ysmael, William Thio, Dave Gomez, Kween Buraot, Miles Poblete, Cye Soriano, at Jenny Lin Ngai.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …