Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joel Cruz Children

Joel Cruz  abala sa negosyo at anak, lovelife isinantabi 

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI priority ng tinaguriang The Lord of  Scents na si Joel Cruz ang magkaroon ng lovelife dahil masaya na siya sa piling ng kanyang walong anak.

Kuwento nito,  “Parang mahirap na magkaroon ako ng lovelife. I have eight kids, dapat mahalin at tanggapin niya ‘yung mga anak ko at hindi lang ako.

“Busy din ako sa mga business ko. So roon pa lang ubos na ‘yung oras ko. Pero minsan nami-miss ko rin na magka-lovelife, pero kapag naisip ko mga anak ko, sabi ko ok na ‘yung mga anak ko na lang ‘yung lovelife ko.

“Pero handa naman akong maghintay. Malay natin may dumating na para sa akin, biglang magka-lovelife na lang ako ha ha ha. Basta kung darating siya salamat, pero if hindi pa okey lang naman. 

“At ngayon nga ay busy kami sa 25th anniversary ng Aficionado. Mayroon kaming ‘Aficionado Bangong Milyonaryo’ raffle promo na magbibigay kami ng P25-M worth of cash and prizes.

“’Yun ay pasasalamat namin sa mga loyal buyer ng aming produkto. May chance silang manalo ng Iphone 16 pro max, E bike, kotse, P25k cash atbp.. 

“Madali lang sumali. Kunin lang nila ‘yung sticker ng aficionado products worth P270. Ilagay sa puting  sobre at isulat ang pangalan, address, phone number at signature at ihulog sa dropboxes located sa mga Aficionado store sa malls, supermarkets atbp.,” pahayag pa ni Joel.

At ngayong taon ay may mga bagong negosyong bubuksan si Mr Joel, kaya naman mas malabo na ngang mabigyang oras nito ang pagkakaroon ng lovelife.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …