Tuesday , April 15 2025

14-anyos ginapang ng erpat ng nobyo ex-future biyenan kalaboso

021425 Hataw Frontpage

HATAW News Team

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang 39-anyos lalaki matapos akusahan ng panggagahasa sa isang 14-anyos junior high school student na nobya ng kanyang anak sa Binondo, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si alyas Dencio, 39 anyos, residente sa nabanggit na lugar.

Ayon kay MPD Director P/BGen. Thomas Arnold Ibay, naaresto ang suspek sa mabilis na ikinasang follow-up operation na pinangunahan ng MPD Delpan Police Station 12.

Ayon sa menor de edad na biktima, naganap ang insidente ng pang-aabusong seksuwal nang makitulog siya sa bahay ng kaniyang nobyo na anak ng suspek.

Nagising umano siya dakong 2:00 ng madaling araw na may ginagawang hindi maganda sa kaniya ang ama ng kaniyang kasintahan.

Nagawa niyang makatakas at umuwi upang magsumbong sa mga magulang.

Dinala siya ng kaniyang mga magulang sa estasyon ng pulisya upang magsampa ng reklamo.

Agad nagkasa ang mga tauhan ng MPD ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law of 1997.

About hataw tabloid

Check Also

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Lauren Mercado Pickleball Power Tour

Mercado Pickleball Power Tour

IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa …

Krystall Herbal Oil

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …