Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Magic Voyz

Magic Voyz matagumpay 4th concert sa  Viva Cafe 

MATABIL
ni John Fontanilla

MULING dimunog ang concert ng boy group na Magic Voyz na kinabibilangan nina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones , Asher Diaz, at Johan Shane na ginanap noong January 30 sa Viva Café, Cubao, Quezon City.

Masaya ang buong grupo ng Magic Voyz sa dami ng taong nanood ng kanilang 4th concert.

Ayon sa masipag nilang manager na si kaibigang Lito De Guzman ng LDG Productions, Biglaan itong show na ito ng Magic Voyz, kinausap ako ni Boss Vic (Del Rosario) na mag-show ngayong Jan. 30.

“Kaya medyo kaunti lang ‘yung days ng rehearsals nila sa show, pero happy ako dahil sobrang dami ng taong nanood.”

Kompara sa mga naunang concert ng grupo, mas magaling sila ngayon na halatang-halata na buong-buo na ang kanilang self-confidence at kering-keri nang makipaglaro sa audience.

Nakasama ng Magic Voyz sa kanilang concert sina Yda Manzano, Meggan Marie, at Ayah Alfonso. Host by Buraot Kween at directed by Lito.

Ngayong taon, abangan ang big concert nila para sa selebrasyon ng kanilang unang anniversary.

For booking and inquiries, puwedeng kontakin ang Magic Voyz  sa kanilang Facebook  page. Maaari ring tawagan ang Viva Artists Agency sa cell number na  09178403522.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …