Thursday , June 4 2026
Ruru Madrid Green Bones

MIFF kanselado, Ruru excited pa namang magtungo ng America

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGLABAS na ng  statement ang Manila International Film Festival na kanselado ang kanilang event na magaganap sana sa January 30 hanggang February 2 dahil sa naganap na napakalaking sunog sa Southern California. Iaanunsiyo na lamang ang panibagong date kung kailan isasagawa ang MIFF.

Marami naman ang sumang-ayon sa desisyon na ito ng MIFF dahil pagpapakita lamang ito ng pagdamay sa mga naging biktima ng nasabing wildfires.

Bago naman mangyari ang trahedya, excited pa sanang makadalo ang aktor na si Ruru Madrid kasama si Dennis Trillo at mga producer ng Green Bones, na sa Jan. 29 sana sila aalis.

Unang nabanggit ni Ruru na excited siya dahil maipalalabas sa LA ang movie nila ni Dennis at mapapanood ng mga kababayan natin. Ito rin aniya ay first time niya dapat sa Amerika, pero hindi na nga matutuloy. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …